Ano Ang Pinaka Angkop Na Kahulugan Ng Ekonomiks

Ano ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks

Answer:

Kahulugan ng ekonomiks

Ang ekonomiks para sa mga hindi nakakaalam ay patungkol sa eksaktong pag-aaral ng mga pamamaraan sa kung paano nagbabahagi ang mga tao o mamamayan at bansa ng kanilang pinagkukunang-yaman na limitado lamang. Ito ay upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan na wari ba ay walang katapusan. Sa madaling salita, maituturing ito na isang uri ng agham na tumatalakay pagdating sa produksyon at distribusyon ng yaman ng isang bansa. Sinusuri nito ang mga kilos at pag-uugali ng mga tao at pangkalahatang iniuugnay sa paggamit at pagkakamit ng mga pangunahing pangangailangang materyal ng tao.

Ito ang mga pangunahing kasagutan sa kung ano ang ibig sabihin ng ekonomiks. Ngunit sa mata ng iba't-ibang ekonomista, ang kasagutan sa katanungan na kung ano ang kahulugan ng ekonomiks ay may iba't-ibang pagpapaliwanag na maaaring magbigay ng mga simpleng kahulugan ng ekonomiks.

Ang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaaring mahati sa apat na lubhang mahahalagang bahagi:

Isang uri ng agham panlipunan

Limitadong pinagkukunang yaman

Mga walang katapusang pangangailangan at hiling ng mga tao at

Ang lubusang paggamit


Comments

Popular posts from this blog

What Is Biology And Zoology

Saan Matatagpuan Ang Caspian Sea At Ipaliwanag Ito

When The Cardboard Is At Rest,How Do The Magnitudes And Directions Of The Pair Of Forces Acting On It Compare