Saan Matatagpuan Ang Caspian Sea At Ipaliwanag Ito

Saan matatagpuan ang caspian sea at ipaliwanag ito

Answer:

Ang Dagat Caspian ay ang pinakamalaking anyong tubig na nakapaloob sa Lupa ayon sa sukat, minsan inuuri na pinakamalaking lawa sa mundo o isang dagat.23 Mayroon itong endorheic basin (isang basin na walang outflow) na matatagpuan sa pagitan ng Europa at Asya.4 Ito ay hinahangganan ng Kazakhstan sa hilagang-silangan, Russia sa hilagang-kanluran, Azerbaijan sa kanluran, Iran sa timog, at Turkmenistan sa timog-silangan.

Matatagpuan ang Dagat Caspian humigit-kumulang 28 metre (92 ft) sa ibaba ng pantay-dagat sa Caspian Depression, sa silangan ng Kabundukang Caucasus at sa kanluran ng malawak na kapatagan ng Gitnang Asya. Umaabot ang sea bed sa katimugang bahagi nang kasimbaba ng 1,023 metre (3,356 ft) sa ibaba ng pantay-dagat, kaya ito ang ikalawang pinakamababang likas na depression sa lupa kasunod ng Lawa ng Baikal (−1,180 metre (−3,871 ft)). Para sa mga sinaunang nanirahan sa ang baybayin nito ang Dagat Caspian bilang isang karagatan, marahil dahil sa alat at laki nito.

May sukat ang ibabaw ng dagat na 371,000 square kilometre (143,200 mi kuw) (hindi kabilang ang hiwalay na lagoon ng Garabogazköl) at 78,200 cubic kilometre (18,800 cu mi) naman ang volume.5 May salinity na humigit-kumulang sa 1.2% (12 g/l),6 mga isang katatlo ng salinity ng karamihang tubig-dagat.

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog

What Is Biology And Zoology

When The Cardboard Is At Rest,How Do The Magnitudes And Directions Of The Pair Of Forces Acting On It Compare